Why Indeed

Possibly the most famous admonition associated with Saint Pio is: “Pray, hope and don’t worry. Worry is useless.” In this day and age of dizzying changes and transformations happening every nanosecond, it is one admonition we who live in the 21st century would do well to take seriously. 9-11, globalization, climate change, digitization, drug wars, Brexit, rationalization, financial meltdown,  Syria, ISIS, Greece…The list is endless. As the classic rocker Don Henley would put it: “In a New York minute, everything can change…” To be sure, given all these,  it is very easy to intellectualize Saint Pio’s counsel.  I propose though that unless and until you are forced into what some existential philosophers call limit situations, you would never fully appreciate what he was trying to drive at when he offered the above advice.

I must say I’ve been blessed to find myself in such a situation a couple of times. It is possible that all this is borne of the challenges associated with entering midlife. Then again, it is equally possible that this is a matter of selective perception – seeing what we want to see in what are objectively random events in one’s life.  Having said that, I’ve been thankfully  blessed to come across some friends who unwittingly offered what to me appears to be the biblical premises of Saint Pio’s reminder.

The first one is from Jeremiah 29:11 and I quote: “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” While the original context of this passage was the message of hope and assurance that God wanted to bless the Jewish people with as they had to stay as exiles in Babylon for 70 years, I believe it is not stretching the meaning of the passage that much if we are to relate it to our individual and collective state in the face of various adversities.  More to the point, it easily grounds  the first component of Adversity Quotient which the researcher Dr. Paul Stoltz refers to as control or how one perceives an adversity as either actionable or beyond hope.  One can either look at the problem as a permanent state from which there is no escape  or as a temporary detour from which one could  springboard to better things. Jeremiah 29:11 underpins the latter.

The second one I have been blessed to be gently reminded of is from Matthew 6:26-34  and it goes: “Look at the birds of the air, for they neither sow nor reap nor gather into barns; yet your heavenly Father feeds them. Are you not of more value than they? Which if you by worrying can add one cubit to his stature? So why do you worry about clothing? Consider the lilies of the field, how they grow: they neither toil nor spin and yet I say to you that even Solomon in all his glory was not arrayed like one of these. Now if God so clothes the grass of the field, which today is, and tomorrow is thrown into the oven, will He not much more clothe you, O you of little faith?  Therefore, do not worry, saying, “What shall we eat?” or “What shall we drink?” or “What shall we wear? For after all these things the Gentiles seek. For your heavenly Father know that you need all these things.  But seek first the kingdom of God and His righteousness, and all these things shall be added to you. Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about its own things. Sufficient for the day is its own trouble.”  Again, while these words were addressed to the crowd that gathered around Jesus during his famous Sermon on the Mount 2,000 years ago, its explanatory power resonates loud and clear  in the 21st century regardless of one’s social, economic and political situation. For indeed, just like that, as they say, you could lose it all. Just like that, one’s life could unceremoniously end. Just like that, a relationship could end. Just like that, the unexpected could happen.

I suggest that it is precisely in the context of these three passages that we could fully appreciate the other half of Saint Pio’s admonition which we don’t often hear:  “God is merciful and will hear your prayer.”  With these three passages written hundreds of years apart, one can more confidently sing along to Annie’s “Tomorrow” and play the air guitar to Bamboo’s “Umagang Kay Ganda.” Why worry indeed!

Advertisements

Bangon, Musikang Pinoy!

Patay na nga ba ang OPM o “Original Pinoy Music”? O ito ba’y buhay na buhay subali’t nagbabagong-anyo lamang?

Gawa na rin ng patuloy na problema ng pamimirata at ng walang puknat na pag-arangkada ng teknolohiya, taon-taon simula nitong huling dekada, lumiit nang lumiit ang kita ng mga “recording companies” na syang nagtataguyod ng mga musikerong Pinoy na may kontrata sa kanila. At dahil hindi agad nakatugon at nakapagsabayan ang industriya ng musika sa mga paghamong ito maliban sa pagpapaigting ng “anti-piracy measures,” nagkaroon ng masidhing epekto ang mga ito di lamang sa mismong mga “recording companies” kundi pati na rin sa iba’t ibang sektor ng naturang industriya – mula sa mga namumuhunan dito hanggang sa mga manggagawa nito, mula sa mga kompositor hanggang sa mga mang-aawit, mula sa mga nagtratrabaho sa loob ng “recording companies” hanggang sa mga kumpanyang naglalako ng mga produkto nila. Sa Amerika at Europa, ilan sa mga napuruhan nang husto dahil dito ay ang Tower Records, Virgin Music Store at HMV. Sa Pilipinas, ang Music1, BMG Records Pilipinas at ang Sony Music Philippines ay ilan lamang sa mga kilalang kumpanya na nagsara dahil dito. Ito malamang ang isa sa mga dahilan kung bakit wala na tayong makitang CD ng mga naunang “albums” ng mga sikat na musikerong Pinoy gaya ng Eraserheads, Rivermaya, Color It Red, FrancisM, Yano, at iba pa. Tinatayang mahigit 75% ang sinasabing ibinaba ng kita ng mga “recording companies” sa Pilipinas nitong huling dekada ayon sa pananaliksik na pinangunahan ni Kathryn Pauso.

byahe noel cabangon

Ang “Byahe” ay ginawaran kamakailan ng Double Platinum Record Award.

Kaya’t tunay ngang nakagugulat malaman na ang serye ng mga “albums” ni Noel Cabangon ay nakapagbenta pa rin ng libo-libo sa kabila nito. Sa katunayan, noong ika-4 ng Mayo 2014 ginawaran ng “Double Platinum Record Award” (i.e., 30,000 kopya) ang “Byahe” (Universal Records, 2009.) “Platinum Record Award” (i.e., 15,000 kopya) naman ang tinamo ng “Tuloy ang Byahe” (Universal Records, 2012) samantalang “Gold Record Award” (i.e., 7,500 kopya) ang natanggap ng “Acoustic Noel” (Universal Records, 2013.) Anupa’t sa pamamagitan ng tatlong “albums” na ito, masasabing matagumpay na nahimok ni Cabangon ang kanyang mga kababayan na muling masumpungan ang kahitikan at kaningningan ng mga “iconic” na awiting Pinoy: 15 sa “Byahe,” 16 sa “Tuloy ang Byahe,” at 12 sa “Acoustic Noel.” Ilan sa mga pamosong awiting binigyan nya ng bagong areglo ay ang “Tuloy Pa Rin” na unang pinasikat ng Neocolors at “Iduyan Mo” na inawit ni Basil Valdez bilang “theme song” ng “Aguila,” isang pelikula ni Eddie Romero na pinangunahan ni FPJ. Ang “Handog” ni Florante at “Wag Mo Nang Itanong” ng Eraserheads ay matatagpuan din sa seryeng ito. Gayon din ang “Itanong Mo sa Mga Bata” ng Asin at “Ang Aking Awitin” ni Bong Gabriel. Mahalagang sabihin dito na bago pa man lumabas ang sarili nyang areglo at interpretasyon sa mga awiting ito ay matagal nang malapit ang mga ito sa puso ng mga Pinoy. Inaawit ang karamihan sa mga ito sa mga karaoke bars at pinatutugtog sa mga salu-salong Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo. Kasabay nito, mahalaga ding bigyang diin na gawa na rin ng kanyang natatanging istilo ng pag-awit at pagtugtog ng gitara na nahinog sa pagtatanghal sa iba’t ibang bulwagan at entablado sa nakalipas na apat na dekada, mas lalong napalapit sa puso ng mga Pinoy ang mga awiting nakapaloob sa mga “albums” na ito. Sa ehemplo ni Noel Cabangon, dalawang katotohanan ang maaring masumpungan. Una, tunay ngang maganda ang musikang Pinoy at tunay ngang mahusay ang musikerong Pinoy. Ikalawa at higit sa lahat, kung gaano kahitik ang magagandang awiting Pinoy ay sya ding dami ng mga musikerong kasinggaling o mas magaling pa kay Cabangon.

opm music festival

Ang Official Poster ng Kaunaunahang Pinoy Music Festival

Marahil ay maaring sabihin na ang mga katotohanang ito ang nagsilbi na ring inspirasyon di lamang kay Cabangon kundi sa iba pang mga beteranong musikerong Pinoy na kasapi ng OPM o Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit na gaya nina Jim Paredes, Ogie Alcacid, Ryan Cayabyab, Gary Valenciano, Christian Bautista, Mitch Valdez, at iba pa, upang maglunsad ng ilang mga “high-profile OPM awareness projects” na kumalampag sa pambansa at indibidwal na kamalayan ukol sa kahalagahan ng musikang Pinoy. Kasama sa mga proyektong inilunsad nila ay ang  “OPM Fair and Traveling Playlist Exhibit” noong ika-24 ng Oktubre 2013 sa Cebu City, ang “Pinoy Music Summit” na matagumpay na idinaos noong ika-19 ng Marso 2014 at ang “Run for EO 255” na naganap noong ika-18 ng Mayo 2014. Ang pinakamalaking proyekto nila sa kasalukuyan ay ang  “Pinoy Music Festival” na itinanghal noong ika-5 ng Setyembre  2014 sa Ayala Triangle, Makati City. Bago nito ay nagdaos sila ng serye ng “street concerts” sa iba’t ibang sulok ng Makati Commercial District mula Agosto 18 hanggang Agosto 31. Ilan sa mga sikat na miyembro ng  OPM na nagtanghal dito kasama ng mga nagsisimulang mga musikero ay sina Lolita Carbon, Bayang Barios, Ron Henley, Johnoy Danao at Luke Mejares. Ayon sa OPM, ang “Pinoy Music Festival” ay naglalayong palaganapin at payabungin ang musikang Pinoy sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang araw na konsyerto ng mga musikerong Pinoy. Kasama ang OPM sa bagong tatag na Pinoy Music Council na kinabibilangan din ng Filipino Society of Composers, Authors and Publishers (FILSCAP), Asosasyon ng Musikong Pilipino (AMP), Philippine Association of Recording Industry (PARI), Music Copyright Administrators of the Philippines (MCAP) at PhilPop Foundation. Pakay din ng naturang konseho na pormal na maideklara ni Presidente Aquino ang Setyembre 5 na “Araw ng Musikang Pinoy.”

bamboo

Sa tingin ni Bamboo ay hindi proteksyonismo ang sagot sa problema ng OPM.

Sa kabila ng mga kapuri-puring mga pagtatangka sa itaas na ibangon ang musikang Pinoy sa kamalayan ng mga Pinoy, may mga pagtataguyod din nito na mainam na pansinin ng kampo ni Cabangon upang maging mas kumprehensibo at mas makahulugan ang mga ginagawa nilang mga hakbangin. Ito ay mula sa dalawang grupo ng musikero na gaya ng mga taga OPM ay nagtataguyod din ng Musikang Pinoy, yun nga lamang ay sa ibang pamamaraan. Ang una ay kinabibilangan ng mga “mainstream artists”  na may ibang pananaw sa usapin ng OPM. Ang ikalawa ay mula sa mga musikerong di naapektuhan sa pagbaba ng kita ng mga “recording companies” dahil sila ay independyente o “indie” kung tawagin. At dahil di sila direktang naapektuhan, di sila ganoon kaprominente pagdating sa pagtawag ng pansin sa sinasabing kamatayan ng OPM.

Ang pinakapalaban at pinakaumalingawngaw na puna mula sa ilang mga “mainstream artists” ay yaong mga ibinahagi ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar at ni Bamboo kaugnay sa isang probisyon ng House Bill 4218 or OPM Development Act of 2014. Ang House Bill 4218 ay inilunsad  ni Congressman Teddy Baguilat upang magbigay ng proteksyon sa mga musikerong Pinoy na nawawalan ng kita twing pumapasok sa Pilipinas ang mga dayuhang mang-aawit para magkonsyerto dito. Ani Chito Miranda, “bakit kelangang magbayad ng equity ang foreign acts? We should welcome them! Not drive them off! Hindi yan ang sagot para umunlad ang OPM.” (“Chito Miranda Rants Against OPM Bill” by Michael Joe T. Delizo, Manila Bulletin, March 28, 2014.) Hindi nalalayo dito ang punto de bista ni Bamboo: “The OPM Bill is something that they have to really think about muna. I mean, why do we do it? To deter other musicians (and bands) to come here? I’m not sure if I agree with that.” (“Bamboo says OPM Bill needs Further Review” by Pau Aguillera, Manila Bulletin, April 2, 2014) Imbes na mangolekta ng “equities” sa mga “foreign artists” na magtatanghal dito, mas nakikita ni Bamboo ang kahalagahan ng pagtatanong sa sarili ng mga musikerong Pinoy kung papaanong mas mapapaganda pa nila ang kanilang mga konsyerto para makapagsabayan sa mga “foreign artists.” “It’s up to us to step up our game…yung production natin. Let’s support our own so we (will be) able to give you (the public) the concerts you deserve.”

Kung tatanungin ang isang manunulat at tagapagtaguyod din ng OPM na si Katrina Stuart Santiago, ang pinakamainam na sagot sa problemang kinakaharap ng mga “recording companies” sa lumiliit nilang kita ay nasa ginagawang tahimik na pagbangon ng mga “indie acts” o yaong tinatawag ni U.P. Professor Robin Rivera na Malayang Musikang Pinoy. Matatandaang ang Eraserheads na tinulungan ni Rivera na magsimula ay isang dating “indie band” sa U.P. Ani Santiago, “Independent music production cannot be subsumed into any discussion about recording companies’ lost revenues, or the commercial musician’s inability to sell his CDs, or the notion of the mainstream market as goal. Because the independent to some extent, and in many ways, is the answer to these problems.” (“The Pinoy Music Summit’s Dilemma” by Katrina Stuart-Santiago, Manila Times, March 22, 2014) Sinulat ni Santiago ang huli bilang puna sa hindi pagkakasali ng “independent artists” sa naging talakayan sa Pinoy Music Summit. Bagkus ay trinato ang mga itong bahagi na rin ng OPM. Ayon kay Santiago, buhay na buhay ang “independent music scene” sa Pilipinas kaya ang sinasabing “OPM is Dead” ay isang mito na totoo lamang sa usapin ng pagbebenta ng mga “mainstream recording companies.”

up dharma down

Ang Up Dharma Down ang  pinakamatagumpay na “indie band” sa kasalukuyan.

Ang isang tinuturo nyang matibay na ebidensya para ito ay bigyang patotoo ay ang Terno Recordings na tahanan ng mga “indie acts” gaya ng Up Dharma Down at Radioactive Sago Project. Nariyan din ang Wide Eyed Records na naglunsad sa Ang Bandang Shirley at Halik ni Gringo. Interesanteng pansinin na ang pag-asenso o pagbulusok ng mga “indie acts” ay di na nakasalalay sa bilang lamang ng mga plaka o CD na nabebenta sa “record bars.” Sa isang panayam kay Toti Dalmacion, inilahad nya na mula pa noong nagsimula ang Terno Recordings hindi tungkol sa pagbebenta ng plaka o CD ang ginagawa nila at hindi rin sa pagtawag ng pansin sa kahalagahan ng OPM. “From the beginning, Terno has always been about developing and raising the benchmark as far as songwriting and live performances are concerned. To be able to reach out to as many people as possible without having to compromise the material and ideals nor to tailor fit it for the local market to meet a particular demand or ride on a trend. We also have never aligned ourselves explicitly with any OPM-related advocacies preferring instead to focus our energies on making quality music and sharing it with our audiences both here and abroad.”  Sa katunayan, ayon na rin kay Dalmacion na “producer” din ng Up Dharma Down (UDD), ang CD at plaka ng UDD ay di makikita sa mga “record bars.” Kailangan mong sadyain ang kanilang mga pagtatanghal o “gigs” sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan, sa mga lalawigan at maging sa labas ng Pilipinas para makakuha ka ng kopya. Mukhang naging epektibo ang ganitong stratehiya sa kanila dahil sa ang unang dalawang “albums” ng UDD na may pamagat na “Fragmented” (Terno Recordings, 2006) at “Bipolar” (Terno Recordings, 2008)  ay pareho nang “out of print” at mabibili lamang sa iTunes. Naging mainit din ang pagtanggap ng publiko sa “Capacities” (Terno Recordings, 2012) na nilabas nila sa CD at plaka.  Hindi rin pahuhuli ang ingay na nililikha ng mga “indie acts” sa “social media” bilang susi sa kanilang tagumpay. Higit sa lahat, imbes na katakutan nila ang kagubatan ng internet, animo’y isa itong malaking paliparan at laruan sa kanila. Habang sinusulat ito, ang Official Facebook Page ng Up Dharma Down ay mayroong 550,000 likes. Ang Instagram account nila ay may 7,632 followers at ang Twitter account nila ay may 53,100 followers. Nasa “Top 10” din ng Spotify  ang Up Dharma Down  pagdating sa mga “OPM acts” na pinakamadalas ma-”stream” ng mga Pinoy kahit di sila napapanood sa  “primetime TV.” Di katakatakang may mga ilang nagsasabi na ang Up Dharma Down na marahil ang “future of OPM.” Ayon kay Dalmacion, “if there are some quarters who refer to us as the future  of OPM, we’re ok with it, we’re taking it, but we don’t really actively campaign nor act as crusaders of OPM nor do we think of ourselves as such. We just do what we do in our own little way and that’s to produce as much good material as humanly possible.”

raimund marasigan

Raimund Marasigan: “This is the Golden Age of OPM.”

Sa pelikulang “Begin Again” na kamakailan ay pinangunahan ni Keira Knightley, ipinakita kung papaanong maaari pa ring magtagumpay ang isang “indie act” nang hindi dumadaan sa mga “recording companies.” Akmang akma ito sa sinabi kamakailan ni Raimund Marasigan ng Eraserheads, Sandwich at Squid9 nang tinawag nya ang kasalukuyang  panahon na “Golden Age of OPM.” Ani Marasigan, “It’s the golden age of OPM…I came from a time when bands only had Club Dredd and Mayric’s to perform and maybe push their luck…now you have Route 196. Saguijo. 19 East. And unlike during my time, when you needed at least Php 250,000 to record an album, now all you need is a computer and controller. And you have the Internet…people might not be buying CDs as much as before, but your music reaches a larger audience because they’re downloaded and spread around the internet…as a result, we’re actually getting more shows, more people are getting to know us.” (“The Restless Raimund Marasigan” by Marge Deona, Rappler, January 4, 2014.) Sa madaling sabi, ang mga “indie” ang nakasumpong sa magandang potensyal ng isang teknolohiyang unang nagdulot ng problema ng pamimirata at ng mga naging anak at apo nito gaya ng “file sharing” at “streaming.” Salamat sa mga “indie acts,” mukhang mayroon nang papalapit na “liwanag sa dilim” na dulot ng pag-abante ng teknolohiya. Habang sinusulat ito ay ipinagdiriwang di lamang ng Esquire Magazine kundi ng mga libo-libong tagahanga ng Eraserheads ang paglabas ng dalawang bagong awitin nila sa CD single (i.e., “Sabado” at “1995”) na nakapaloob sa isyu ng naturang magasin para sa Setyembre 2014. Walang “recording companies” na naglako ng bago nilang CD single na ilang araw nang pinag-uusapan  sa radyo at sa  social media dahil isa na din silang “indie band.” Ang kontrata nila bilang “mainstream artists”  ay kasamang naglaho ng pagsasara ng BMG Pilipinas. Ang balita tungkol sa kanilang bagong “recording” ay di unang inanunsyo sa telebisyon, radyo at dyaryo. Nauna ang ingay at alingawngaw tungkol dito sa “social media.” Nasa 30,000 sipi lamang ang inimprenta ng Esquire, katumbas ng bilang na kailangan para magawaran ang isang “recording” ng “Double Platinum Award.” Batay na rin sa mga palitan sa “social media,” mukang di magtatapos ang  isang linggo ay mauubos na ang mga kopya nito. Sa iba’t ibang “bookstores” at “convenience stores” sa Kamaynilaan, mahaba ang listahan ng mga naghahanap at nagpapareserba ng kopya bago pa man ito lumabas. May balita ding ilalabas ito sa 45rpm na vinyl o plaka. Matatandaang nanguna din ang mga “indie bands” sa Pilipinas sa paglabas ng kanilang mga “recordings” sa plaka bago sumunod ang “mainstream recording companies.”

esquire eraserheads

Ang bagong “recording” ng Eraserheads ay hindi  inilunsad ng isang “mainstream recording company.”

Sa bandang huli, bagamat di maikakailang  malaki ang agwat ng nagtutunggaling pananaw ng mga “mainstream” na musikerong Pinoy na kaalyado ni Cabangon sa mga “mainstream artists” na di nila kakampi at sa mga musikerong Pinoy na “indie” kabilang sa OPM, pagdating sa usapin ng pagtataguyod ng musikang Pinoy, may isang bagay na bukod tanging nag-uugnay at nagbibigkis sa kanilang tatlo. Ito ay ang masidhing pagmamahal sa kanilang bokasyon bilang musikerong Pinoy at ang wagas na pag-ibig para sa musikang Pinoy. Isang pag-ibig na kung pahihintulutan ni Joey Ayala (i.e., isa pang  dating “indie” na naging “mainstream” at ngayo’y muling naging “indie”) ay maaaring ilarawan na

“walang hanggang paalam
at habang magkalayo papalapit pa rin ang puso.
kahit na magkahiwalay, tayo ay magkasama
sa magkabilang dulo ng mundo.”

Harinawa ay magkaroon pa ng maraming pagtatagpo ang “mainstream” at “indie” sa mga darating na taon upang pag-ibayuhin ang patuloy na pagbangon ng musikang Pinoy.